Sana ganyan na lang tumatak sa isip ng mga tao kung anu ang Pilipino time. Bago ang lahat magpapakilala po muna ako, ako po si Ian, at nagtapos po ako ng psychology sa isa sa mga pamantasan dito sa Maynila, di ko na po sasabihin kung anu saang eskwelahan ako galing basta dun.
Sa natatandaan ko sa mga tinuro sa amin ang "Filipino time" kung saan ang Pilipino ay laging huli sa oras, ay hindi naman galing saatin. Ang ugaling ito po ay galing sa mga Kastila, nakaka lungkot man pong isipin pero date ang mga pinadala dito sa atin ay yung mga Kastilang patapon kung baga, mga sakit sa ulo sa Espanya kaya bilang parusa pinadala sa malayung lugar ng mundo sa Pilipinas. Kaya yun ang mga opisyal nating Kastila noon e... tamad sabayan mo pa ng mga prayleng ganun din., tapos pa
syesta-syesta pa... nakuha natin etong lahat. 336 years ba naman tayong sakupin malamang sa malamang marami talaga tayong nakuha sa kanila.
Eto ha..bigyan ko kayo ng example, ng 2009 na Spain po ako para sa isang convention, meron po kami tour guide na sana e-maglilibot muna sa amin sa mga lugar ng Madrid, ang usapan 10:00 AM sakto daw,..kasama ko po nun si George at si Jester, mga Amerikano naging ka close ko (kase yung mga hapon di magaling mag Inglis kaya di ko maka-usap) Ang nangyari 10:15 na, wala pa si tour guide..naku.... Bad trip na ang mga hapon at tingin na ng tingin sa mga relo, George naman at si Jester ang mga Amerkano kung kaibigan...na inis na din. "Unprofessional daw" sabi nila "This is so unprofessional" wika at paulit ulit nilang sinabi. 10:40 dumating ang tour guide naming kastila at nagsimula kami. hehe hulaan nyo... 11:00 na po,.. aba dba, pamilyar sa inyo ang ganitong eksena..hahahah, di lang yun ha....doon mismo sa convention late din ng isang oras nagsimula, sabi daw 8am, ng 8am padating palang ang mga tao,..at ng mga 8:45 na nagsimula na, ibang klase ah...kase may mga foreign delegates na kasama, at kasama ako dun sa foreing delegates na yun.
Nakapunta na rin po ako sa mga Hispanic countries (mga bansang tulad natin na sinakop din ng Espanya), alam nyo ganun din sila late...pero sa lahat ng mga sinakop nilang bansang palagi late tayo parin ang pinaka matindi.
At doon ko nga na pagtanto...Oo tama nga ang lesson ko sa college, sa kastila nga natin nakuha ang pagiging late. Ako po guilty ako nyan ng High school pero ng college binago ko na, ang mahal na kase ng tuition sayang pera..hehe
Salamat po sa pagbabasa =)
No comments:
Post a Comment